9 na bahay sa Pasay, naabo sa sunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2018 05:03 AM | Updated as of Mar 06 2018 08:05 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kuha ni Nica Santiano

Tinupok ng apoy ang 9 na bahay sa Gotamco St., Barangay 16, Pasay City Martes ng madaling araw.

Ayon kay Supt. Carlos Dueñas ng Bureau of Fire Protection-Pasay, sumiklab ang sunog ala-1:40 ng madaling araw at agad itinaas sa ikalawang alarma.

Mabilis umano itong kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Alas-3 ng madaling araw nang ideklara ng mga bombero ang sunog na under control.

Kuwento ng mga residente, posibleng napabayaang kandila ang pinagmulan ng apoy.

Wala kasing kuryente sa lugar na nakatakdang i-demolish noon pang Enero.

Wala namang naitalang nasugatan habang tinatayang nasa P90,000 ang halaga ng pinsala ng apoy. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.