Nasunog ang bahagi ng Our Lady of Fatima Parish sa Aurora Quezon Street, Davao City Linggo ng madaling araw. 📷 Vincent Tancinco
Nasunog ang bahagi ng Our Lady of Fatima Parish sa Aurora Quezon Street, Davao City Linggo ng madaling araw.
Sa video na ibinahagi ni Vincent Tancinco, makikita ang malaking apoy sa loob ng simbahan.
Napag-alamang nasunog ang altar at ilang bahagi sa loob ng simbahan.
Umabot ng mahigit isang oras bago naapula ng mga bumbero ang apoy.
Inaalam pa ng Bangoy Fire Station ang sanhi ng sunog at ang halaga ng pinsala ng sunog.
Walang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog.
Idinaos pa rin ang misa Linggo ng umaga sa labas ng simbahan.
--Ulat ni Hernel Tocmo
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.