TFC News

PH food products ibinida sa business matching mission sa Bahrain

TFC News

Posted at Mar 05 2023 12:25 AM

MANAMA - Samu’t-saring Filipino food products tulad ng dried pineapple, dried mango, dried durian, coconut products, food snacks, mga chichirya, ready-to-drink beverages, mga minatamis, bottled seafood products, condiments, spices at iba pang produkto ang ibinida sa Philippine Outbound Business Matching Mission sa Bahrain noong February 11-13, 2023.

1
Manama PE photo

Inorganisa ng Philippine Trade and Investment Center (PTIC)-Dubai at ng Export Marketing Bureau (EMB) ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Manama, Bahrain ang nasabing business matching mission.

Layon ng business mission na ipakilala sa Bahraini at GCC consumer market ang mga Philippine brand at food products. Ang government-led business delegation ay kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga kumpanyang Pilipino tulad ng Eng Seng Food Products, Liwayway Marketing Corporation, Lorenzana Food Corporation, Pixel Transglobal Foods Inc., at Turn Fruit Trading DMCC.

2
Manama PE photo

Ang B2B (Business-to-Business) matching session ay ginanap noong February 12, 2023 sa Wyndham Grand Manama Hotel.

Dinaluhan ang session ng mahigit 50 local importers at distributors, mga opisyal ng Bahraini government, kinatawan ng Bahrain SMEs Society at mga miyembro ng Filipino business community sa Bahrain.

Sinalubong ni Philippine Charge d’ Affaires Anne Jalando-on Louis ang mga lumahok sa B2B matching session at pinuri niya ang matatag na economic partnership ng Pilipinas at Bahrain. Hinikayat ni Louis ang Bahraini private sector na tingnan ang posibilidad na manggaling sa Pilipinas ang kanilang sourcing requirements, hindi lang sa food products kundi sa ibang sektor din.

3
Manama PE photo

Matapos ang B2B session, dinalaw ng mga kinatawan ng Philippine Embassy at Philippine delegation ang supermarkets na Al Jazira, Lulu, at Megamart kung saan mabibili ang ilang Filipino food products.

Dumaan din sila sa Gudaibiya District, kung saan matatagpuan naman ang karamihan ng Filipino stores at restaurants.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Bahrain, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.