PatrolPH

Alternative delivery mode sa mga paaralan sa Lucena City, ipapatupad dahil sa transport strike

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2023 05:11 PM

Ipatutupad ang isang linggong alternative delivery mode sa mga klase sa mga pampubliko at pribadong elementary at high school sa Lucena City na maapektuhan ng isang linggong transport strike.

Base sa inilabas ng memoramdum ni Department of Education Lucena Schools Division Superintendent Hermogenes Panganiban, pinapayuhan nito ang mga eskwelahan na i-adopt ang distance learning modalities tulad ng modular at online, depende sa mga paaralan na ang lugar ay maapektuhan ng strike.

Nilinaw nito na walang suspensyon ng klase sa Lucena City.

Ayon kay Panganiban, bagama't nagpasabi na ang Lucena City Jeepney Operators and Drivers Association o L-JODA na hindi sila lalahok sa isang linggong tigil pasada, posible naman aniyang maapektuhan ang mga estudyante, mga guro at iba pang non-teaching personnel na mangagaling sa mga bayan sa labas ng Lucena City.

Pinayuhan ni Panganiban ang mga maapektuhang guro, estudyante at mga magulang na makipag-ugnayan lamang sa mga school management para maisaayos kung ano sistema ang dapat gamitin.

- ulat ni Ronilo Dagos

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.