PatrolPH

Bata aksidenteng na-chainsaw ng ama sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2022 03:59 AM

Lubhang sugatan ang isang 13-anyos na batang lalaki matapos siya aksidenteng tamaan ng chainsaw sa bayan ng Laoang, Northern Samar, Lunes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, nagpuputol ng kahoy ang ama ng biktima nang bigla nalang mabitawan nito ang chainsaw at tumilapon sa tumutulong na anak.

Sugatan sa tiyan hanggang dibdib ang bata.

Ginagamot na sa ospital ang biktima at nangangailangan umano siya ng tulong sa pagpapagamot.—Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.