PatrolPH

Trak na may kargang mais naaksidente, 4 patay

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2021 11:24 AM

Trak na may kargang mais naaksidente, 4 patay 1
Bumaliktad at nagpaikot-ikot ang trak bago tuluyang bumangga sa isang dryer facility sa Barangay Apelo sa bayan ng Sara sa Iloilo. Apat na katao ang nasawi sa aksidente kabilang na ang driver at pahinante ng trak at dalawang lalaking natutulog sa dryer facility. Larawan mula sa Balita Hilway Sara

Patay ang apat na katao matapos maaksidente ang isang trak na may kargang mais sa Barangay Apelo, Sara sa Iloilo Biyernes ng madaling araw.

Nasawi sa aksidente ang driver ng truck na si Henry Diyan Jr., 35-anyos, at pahinante nitong si Rey Sinoy, 25.

Binawian rin ng buhay sina Romualdo Norsan, 30, at Jaime Ciudad, na natutulog sa isang dryer facility.
 
Ayon sa imbestigasyon ng Sara Police, mabilis ang takbo ng trak at nawalan ng kontrol ang driver nito dahil na rin sa bigat ng kargang mga mais.

Bumaliktad ang trak at nag paikot-ikot pa bago tuluyang bumangga sa dryer facility sa nasabing lugar.

Natagalan pa bago ma-rescue sina Norsan at Ciudad na nabagsakan ng trak at natabunan ng mais.

Agad silang dinala sa pagamutan pero ideneklara nang dead on arrival.

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.