Photo courtesy of St. Paul Hospital-Iloilo
(UPDATE) Unang nakatanggap ng Sinovac vaccine sa Western Visayas Biyernes ang St. Paul Hospital sa Iloilo.
Tinanggap nito ang unang 400 doses ng bakuna sa 1,500 doses na inilaan ng Department of Health Region 6 Biyernes ng umaga.
Unang nabakunahan sa hospital ang 52-anyos na si Dr. Maria Sylvia Teresa de Pili, chairman ng Internal Medicine Department ng hospital.
Si De Pili rin ang unang nabakunahan ng Sinovac sa isla ng Panay.
Bukod sa kaniya may 19 pang kawani ng ospital ang binakunahan.
Kuha ng Ilocos Sur PIO
Samantala, hinatid din ng Department of Health Region 1 ang nasa 966 doses ng Sinovac vaccine sa provincial health office ng Ilocos Sur sa Vigan City.
Nagkaroon ng maikling programa bago sinimulan ang pagbabakuna.
Ang mga naunang nabakunahan ay si Dr. Trina Talaga, commander ng provincial government of Ilocos Sur COVID-19 Task Force Incident, at si Dr. Roland Zara, infectious disease expert ng rehiyon.
Nasa 483 na healthcare workers ng Ilocos Sur ang nagpalista para magpabakuna.--Ulat nina Rolen Escaniel at Grace Alba, ABS-CBN News
RELATED VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
regional rews, regions, St. Paul Hospital-Iloilo, Sinovac vaccine, COVID-19, Tagalog news