2 patay sa pagsalpok ng motorsiklo sa poste ng kuryente

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2021 03:36 PM

Magka-angkas sa isang motorsiklo ang tatlong menor de edad na nakainom nang salpukin nila ang poste ng kuryente sa Dumangas, Iloilo. Larawan mula sa Dumangas PNP

Patay ang dalawang menor de edad habang sugatan naman ang kasamahan nila matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Bonifacio Street, Dumangas, Iloilo, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa imbestigasyon ng awtoridad, nakainom umano ang mga iito at magkaangas sa isang motorsiklo.

Mabilis umano ang takbo ng motorsiklo at hanggang sa tuluyan silang sumalpok sa poste ng kuryente.

Dead on arrival ang dalawa sa kanila habang agad na dinala sa ospital ang sugatan nilang kasamahan.

Madalas umanong may naaaksidente sa lugar. Pinaalalahanan naman ng mga awtoridad ang mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at huwag nang bumiyahe kung nakainom.

 MGA IBANG BALIT :

Watch more in iWantTFC

- Ulat ni Rolen Escaniel
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.