1 patay, 1 sugatan sa pananaksak sa Capiz; suspek sumuko

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2021 02:54 AM

Patay ang isang lalaki at sugatan naman ang isa pa matapos ang pananaga sa Brgy. San Rafael sa bayan ng Dumalag, Capiz, Miyerkoles ng gabi.

Nakilala ang namatay na si Niño Facularin, 30, at ang sugatan na si Ramil Biaco, 40.

Ayon sa mga awtoridad, kumakain ng hapunan ang dalawang biktima nang sugurin sila ni alyas Ernan. Nagkahabulan pa sa palayan ang suspek at mga biktima, at nang sila ay nagpang-abot doon na nangyari ang pananaga.

Nasugatan sa mukha at sa iba't ibang parte ng katawan si Facularin, habang nagtamo naman ng kaunting mga sugat si Biaco.

Agad nasawi si Facularin habang dinala naman sa ospital si Biaco.

Dating alitan ang motibo sa krimen, ayon sa mga awtoridad.

Sumuko naman ang suspek matapos magawa ang krimen.

Nakatakdang sampahan ng kaso ng mga awtoridad ang suspek ng homicide at attempted homicide.--Ulat ni Rolen Escaniel

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.