PatrolPH

Pope Francis nanawagang tigilan ang tsismisan sa Semana Santa

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2019 03:53 PM | Updated as of Mar 05 2019 04:05 PM

Panahon daw ang Semana Santa para tigilan ang tsismisan at tugunan ang sariling mga pagkukulang at pagkakamali, ayon sa Santo Papa.

Sa kaniyang Angelus prayer noong Linggo, Marso 3, na isang linggo rin bago ang Ash Wednesday, sinabi ni Pope Francis na turo raw ni Hesukristo na tingnan muna ang sariling pagkakamali bago manghusga. 

“[He] wants to teach us to not go around criticizing others, not go looking for others’ defects, but look first at your own,” aniya.

Dagdag niya, maaaring nakagawian na ng mga tao na tingnan ang pagkakamali ng iba, at maaaring napagkakatuwaan na ang pagti-tsismis sa halip na tugunan ang kanilang problema sa taong pinag-uusapan. 

“We all know it usually is easier or more comfortable to notice and condemn the defects and sins of others rather than seeing our own with that kind of clarity,” aniya. 

Ayon sa Santo Papa, mas mainam na subukang mag-reflect o magmuni-muni sa mga salita ng Panginoon habang ginugunita ang Semana Santa para maging mas solemne ang pagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoon. 

“If, by the end of Lent, we are able to correct this a bit and not go around always criticizing others behind their backs, I assure you (the celebration of) Jesus’ resurrection will be more beautiful.”

-- Salin mula sa ulat ng Catholic News Agency 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.