PatrolPH

Dating OFW sa Saudi, timbog sa Valenzuela buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2019 06:06 AM | Updated as of Mar 05 2019 08:35 PM

MAYNILA - Arestado ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa buy-bust operation sa Valenzuela City Martes ng madaling-araw.

Kuwento ng ginang, minaltrato umano siya noong nagtatrabaho sa Saudi Arabia kaya umuwi ng Pilipinas at nauwi sa pagtutulak.

Narekober sa kaniya ang nasa P110,000 halaga ng hinihinalang shabu.

Watch more on iWantTFC

Ayon sa Valenzuela police, iniimbestigahan nila ang impormasyon na sa loob ng kulungan sa Bulacan galing ang droga.

Giit naman ng suspek, hindi siya gumagamit ng shabu at tagahatid lang nito. Pantustos umano sa gastusin ng 3 niyang anak ang kinikita niya rito.

Kakasuhan siya ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.