P3-milyon ari-arian naabo sa San Juan

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2018 09:55 AM

MANILA - Nasira ang P3 milyon na halaga ng ari-arian matapos masunog ang 4 na apartment units sa N. Domingo Street, San Juan nitong Linggo ng gabi.

Sa kasagsagan ng sunog, iniligtas ng residenteng si Ansel Tanargo ang 3 kapitbahay. Inakyat niya ang apartment unit ng mga ito at tinulungan silang makalabas mula sa bintana.

Nasaktan sa insidente ang 4 na iba pa, karamihan sa kanila dahil sa pagkakalanghap ng usok.

Hindi pa matiyak paano nagsimula ang insidente.

Gayunman, nanawagan ang mga awtoridad sa publiko na iwasan ang buhol-buhol na electric wiring at tanggalin sa pagkakasaksak ang appliances na hindi ginagamit.

Nangyari ang sunog sa gitna ng Fire Prevention Month. Kadalasang tumataas ang bilang mga sunog tuwing Marso, isa sa mga pinakamainit na buwan.

Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.