52 pakete ng shabu nakuha sa 4 suspek sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2018 11:52 AM

MANILA - Inaresto ang 4 na suspek matapos mahulihan ng 52 pakete ng shabu sa Tandang Sora, Quezon City ngayong Lunes.

Tinarget ng pulisya ang 3 lalaki at isang babaeng suspek matapos silang isumbong ng mga kapwa residente sa pamamagitan ng drop box ng "Masa Masid" program.

Nasakote ang grupo sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa isang bahay sa Gloria 2 subdivision.

Itinanggi naman ng 2 sa mga suspek na sangkot sila sa pagbebenta ng droga.

Mapapabilang ang grupo sa nasa 100 nakakulong sa Quezon City Police District station 3. Nasa 20 katao lang ang kapasidad ng naturang detention area.

Payo ni Supt. Danilo Mendoza, commander ng estasyon, "'Yung mga sangkot sa drugs, kung ako sa kanila, mag-voluntarily surrender na ako sa barangay or sa kapulisan para matulungan at mapa-rehab natin sila."

Ulat nina Dennis Datu at Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.