LPA, magpapaulan sa Visayas, Mindanao: PAGASA

ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2017 11:33 AM

MANILA - Magdadala ng mga pag-ulan ang isang low pressure area (LPA) sa ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao ngayong Linggo, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa layong 860 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur dakong alas-4 ng umaga.

Dahil sa naturang sama ng panahon, makakaranas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang mga taga-Eastern Visayas, CARAGA at Davao.

Samantala, patuloy namang nakakapekto ang northeast monsoon o amihan sa Luzon.

Inaasahan ang mga maulap na kalangitang may mahinang pag-ulan sa Cagayan Valley at lalawigan ng Aurora.

Iiral naman ang maaliwalas na panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, pero posible pa rin ang mga mahina at pulo-pulong ulan.

Para sa iba pang ulat-panahon, bisitahin ang ABS-CBN Weather Center.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.