4 patay, kabilang ang isang 4-anyos na bata sa banggaan ng motor at trak sa Albay

Karren Canon, ABS-CBN News

Posted at Mar 05 2017 06:13 PM

A motorcycle crashed to a trailer truck in Barangay Quinastillojan, Tabaco City in Albay on Sunday afternoon. Photo by Karren Canon, ABS-CBN News

Apat ang patay, kabilang na ang isang 4 na taong gulang na bata, sa banggaan ng isang trailer trak at motorsiklo sa Barangay Quinastillojan, Tabaco City sa Albay Linggo ng hapon.

Patay ang mag live-in partner na sina Albert Baroga, 27, na naputol ang kalahating bahagi ng katawan; ang kinakasama nito na si Jazmin Boringgot, 34; at ang 4 na taong gulang na anak nilang lalaki na si Clark Camero.

Kumpirmadong patay rin ang isa pang hindi pa nakikilalang biktima na sakay ng trak.

Patuloy pa ang isinasagawang rescue operation ng otoridad. Posibleng 2 o mahigit pang tao ang naipit sa loob ng trak. 

Sa inisyal na imbestigayon ng pulisya, nawalan ng preno ang trak na galing Ligao City papuntang Tabaco City na may kargang mga bakal kaya nabangga ang kasalubong na motorsiklong sinasakayan ng mag-iina.

May mga nasira ding bakod at bahagi ng bahay ng 2 pamilya nang madaanan ng trak.

Dalawang residente rin, ayon sa pulisya, ang isinugod sa ospital matapos magtamo ng sugat dahil sa pag-iwas sa trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.