Umano'y NPA official, napatay ng militar sa Davao de Oro

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2021 12:08 AM

Kuha ng PRO-XI

Isang high-ranking official umano ng rebeldeng New People's Army ang napatay ng mga militar sa bayan ng Maco, Davao de Oro Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Renante Mantos.

Ayon sa pulisya, nakatanggap umano ng impormasyon ang community support team ng 28th Infantry Batallion ng Philippine Army na may dalang baril ang isa sa mga nag-iinuman sa labas ng isang bahay sa Purok 4, Malamodao.

Pinuntahan ito ng mga sundalo pero habang kinakausap nila ang mga nag-iinuman, bigla umanong bumunot ng baril si Mantos.

Ayon sa pulisya, inunahan umano ng mga sundalo at nabaril si Mantos, na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa Police Regional Office XI, kilala umanong high-ranking official ng Front Committee 27 ng NPA si Mantos.--Ulat ni Hernel Tocmo

MULA SA ARKIBO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.