MAYNILA - Arestado ang isang 23-anyos na lalaki na ayon sa pulis ay kilalang holdaper sa Lucena City, Quezon.
Sa ulat ng Lucena City Police Station, hinuli sa entrapment operation ang suspek na si Jimuel Perez noong Martes nang subukan niyang kikilan ng pera ang nabiktima niya ng pagnanakaw.
Sabi ng pulisya, inagaw ni Perez ang wallet ng biktimang babae sa harap ng Lutheran Compound sa Bgy. Ilayang Iyam.
Pagkatapos nito, nakontak ng lalaki ang biktima sa chat gamit ang pagkakakilalanlan sa wallet at humingi ng pera rito para matubos ang pitaka.
Bukod sa wallet, narekober din ang motorsiklo na nakitang ginamit ng suspek sa pagnanakaw.
Ayon sa Lucena police, taga-Sariaya, Quezon si Perez at sangkot sa mga dating kaso ng holdap at pagnanakaw sa Bgy. Ibaba at Ilayang Iyam at mga kalapit na lugar.
Kakasuhan siya ng robbery extortion.
Nanawagan naman ang pulisya sa iba pang mga nabiktima na makipag-ugnayan sa kanila.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
crime, hold-up, holdap, holdaper, magnanakaw, theft, Lucena City, Lucena, Lucena Quezon, Quezon, robbery, Tagalog news, TeleRadyo