Distributor umano ng ilegal na droga sa Nueva Ecija, patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2021 11:50 AM

Nakatunog umano ang target sa drug operation kaya bumunot ito ng baril at nakipagbarilan sa mga operatiba sa Nueva Ecija. Larawan mula sa Police Regional Office 3

Patay ang itinuturong distributor ng ilegal na droga sa Nueva Ecija, Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Dennis Enage na napatay sa engkuwentro sa Cabanatuan City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Cabanatuan City Police Station, pero nakatunog si Enage na mga pulis ang kaniyang katransaksiyon. 

Napatay ang suspek sa pakikipagbarilan sa mga operatiba.

Narekober sa crime scene ang kalibre .45 na baril, mga bala at basyo, kabuuang 14 sachet ng hinihinalang shabu, digital weighing scale, disposable lighter, aluminum foil strips at marked money.

- Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.