9 menor de edad nasagip mula sa umano'y human traffickers; 1 tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2021 08:26 PM

Na-rescue ng mga awtoridad noong Miyerkoles sa Paranas, Samar ang 9 na menor de edad na biktima umano ng human trafficking. 

Ayon sa pulisya, 5 sa mga biktima ay babae habang ang 4 ay lalaki, na lahat ay taga-Surigao Del Sur.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Marialina Vasquez, 51, at 
Gerald Tebale, 25.

Sa inisyal na imbestigasyon, naharang ng traffic enforcers sa Paranas, Samar ang diumano'y kolorum na bus kung saan nakasakay ang mga menor de edad. 

Napag-alaman na ang mga biktima ay ni-recruit ng mga suspek para magtrabaho sa isang resort sa San Fernando, Pampanga. 

Pinangakuan umano ng mga suspek ang mga biktima ng P7,000 buwanang sahod. 

Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development ang mga biktima habang nakakulong naman si Vasquez pero nakatakas si Tebale. 

—Ulat ni Ranulfo Docdocan 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.