'Hitman' patay matapos umanong manlaban sa pulisya

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2019 08:07 AM

ALAMINOS, Laguna - Patay ang isang gun-for-hire suspect matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa bayan na ito, Linggo ng gabi.

Sisilbihan sana ng search warrant ang suspek na si JR Siervo, 35, sa kaniyang bahay sa Barangay San Miguel nang manlaban siya, ani Lt. Col. Eleazar Mata, hepe ng Laguna police.

Ginamit umanong hitman ng Alvero-Amante at Manambit drug groups ang suspek.

Sangkot din umano si Siervo sa pagbebenta ng mga ilegal na baril.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .45 na baril, M-16 rifle, shot gun at mga bala.

Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News