Notoryus na tulak ng droga, timbog sa Valenzuela City

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 07:51 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Arestado ang isang notoryus na drug pusher sa isinagawang buy-bust operation sa Valenzuela City, Linggo ng umaga.
    
Hindi na nakapalag si Ramoncito Caparas nang palibutan siya ng mga pulis ng Valenzuela City sa Barangay Malanday.
    
Nagpanggap na buyer ang isa sa mga operatiba, at nang kunin ni Caparas ang pera, doon na siya dinampot.

Narekober sa suspek ang limang sachet ng shabu.
    
Ayon sa mga pulis, ilang taon na nilang tinutugis ang suspek na pasok sa kanilang drugs watchlist, at kabilang sa high value target ng lungsod.

Bukod sa pagtutulak umano ng droga, may mga dati nang kaso ng homicide, paglabag sa gun ban, at serious physical injuries ang suspek.
    
Pero giit ni Caparas, hindi siya pusher.

Umaasa naman ang mga pulis na malaki ang maibabawas sa bentahan ng droga sa mga lugar kung saan dating nagtutulak ang suspek.
    
-- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.