Isa patay sa aksidente ng motor sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 09:16 AM

MANILA - Patay isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa center island sa Rizal Avenue extension sa Maynila.

Kinilala ang namatay na si Charles Asuncion, 19 anyos at empleyado ng isang convenience store habang sugatan naman ang angkas nitong si Radja Magtoto, 20 anyos.

Ayon sa paunang ulat ng pulisya, binabaybay ni Asuncion ang kalsada nang tumama sila sa center island.

Malakas ang pagkakatama ng motorsiklo kaya tumilapon ang dalawa ng ilang metro.

Dead on the spot si Asuncion bunsod ng sugat sa ulo. Agad naman itinakbo sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Magtoto.

Ayon sa mga nakakita, walang helmet na suot ang dalawa. - ulat nina Lyza Aquino at Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.