Dalawa arestado sa 'pot session' sa bus

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2018 08:24 AM

MANILA - Arestado ang dalawang lalaki habang pinaghahanap ang isa pa matapos maaktuhan sila sa isang "pot session" sa loob ng isang bus sa Parañaque.

Ayon sa Parañaque Police, tatlong lalaki ang naaktuhang gumagamit ng iligal na droga sa loob ng bus, kasama dito ang mismong driver at konduktor ng bus.

Agad sinalakay ng mga operatiba ang bus na nauwi sa pagkakaaresto ng dalawa sa suspek. Nakatakas naman ang driver ng bus.

Nakumpiska nila ang apat na sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Mahaharap sa kasong illegal posession of dangerous drugs ang mga suspek habang posible ring panagutin ang may ari ng bus company dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.