Mahigit 100 satellite offices, itatayo ng PDEA

Jeffrey Hernaez, DZMM

Posted at Mar 04 2017 08:32 AM

Upang mas mapalakas pa ang operasyon laban sa ilegal na droga, magdaragdag ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng mahigit 100 satellite offices sa buong bansa.

Ayon kay PDEA Director Isidro Lapeña, kabilang dito ang 81 provincial offices, 5 NCR district offices at 33 highly urbanized cities o HUC offices.

Layon nitong mapalakas ang intelligence gathering, pagsasagawa ng anti-drug operations sa mga lugar na nasasakupan at mas mabilis na koordinasyon sa mga lokal na sangay ng Philippine National Police, maging ng Armed Forces of the Philippines.

Pangunahing tututukan ang HUCs kung saan karaniwang nago-operate umano ang mga sindikato ng droga.

Sa kasalukyang, mayroon lamang 18 regional offices ang PDEA sa buong bansa.