AUV, sumampa sa center island ng flyover

Alex Calda, DZMM

Posted at Mar 04 2017 08:22 AM

Nagdulot ng pagsisikip sa daloy ng trapiko ang pagsampa ng isang Toyota Avanza dakong alas 4:30 ng madaling araw sa center island ng EDSA-Roxas Boulevard flyover sa bahagi ng Pasay City.

Nagresulta ito sa galos sa mukha ng driver na si Jovy Carreon, 30-anyos ng Novaliches, Quezon City habang nagkasugat naman sa tuhod si Christian Alinas, driver ng kasunod na motorsiklo.

Inamin ni Carreon na siya ay nakatulog habang nagmamaneho patungo sa direksiyon ng Baclaran.

Nang sumampa ang sasakyan sa center island, tumalsik naman sa northbound lane ng flyover ang dalawang plant box na binangga nito, habang natumbok naman ang sasakyan ng kasunod na motorsiklo. DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.