PatrolPH

Nasa 100 ektarya ng gubat sa Bokod, Benguet nasunog

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2022 02:21 AM

Nasa 100 ektarya ng gubat sa Benguet nasunog 1
Nasa 100 ektarya ng gubat sa Benguet nasunog 2

Nasa 100 ektaya ng gubat ang nasunog sa bayan ng Bokod, Benguet. Kuha ng BFP Cordillera 

Nasa 100 ektaya ng gubat ang nasunog sa bayan ng Bokod, Benguet. Kuha ng BFP Cordillera 

Nasa 100 ektaya ng gubat ang nasunog sa bayan ng Bokod, Benguet, ayon sa mga awtoridad nitong Miyerkoles.

Ayon sa municipal Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahagi ng Sitio Labey, Ambuklao bandang alas-4 ng umaga ng Martes.

Nahirapan silang apulahin ang apoy dahil sa malakas na hangin at mainit na panahon kaya kumalat na ang apoy sa ibang bahagi ng gubat.

Sinusubukan pa ring apulahin ng mga bumbero ang sunog pasado alas-3 ng hapon ngayong Miyerkoles.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP, na tiniyak na malayo ang sunog sa mga kabahayan.—Ulat ni Mae Cornes 

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.