MAYNILA—Ngayong nasa COVID-19 Alert Level 1 na ang Metro Manila at ibang lugar sa Pilipinas, nagpaalala ang isang infectious disease specialist ng mga dapat tandaan kahit bumababa na ang mga bagong kaso ng coronavirus sa bansa.
Isa sa mga paalala ni Dr. Rontgene Solante, dapat bawasan pa rin ang interaksyon at pakikipag-usap sa mga taong malapit sa bisinidad ng iba.
Kahit nasa pinakamababang COVID-19 alert level na ang mga Pilipino, ang pagsusuot ng face mask ay dapat pa ring sundin sa mga pampublikong lugar.
Nagbigay din si Solante ng iba pang paalala at mungkahi na dapat kasama na sa bagong "mindset" ng mga Pilipino kahit Alert Level 1 na. SRO, TeleRadyo, Marso 2, 2022
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.