PatrolPH

Matapos ang 23 taong pagtatago, rape suspect arestado

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2021 04:50 PM

MADDELA, Quirino — Matapos ang higit 2 dekadang pagtatago, napasakamay na ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa panggagahasa.

Kinilala ang suspek na si Eddie Carino, na nahuli nitong Martes ng madaling araw sa Pangasinan. 

Wanted si Carino sa kasong panggagahasa noong 1998.

Isa rin siya sa top 10 most wanted sa Cagayan Valley region.

Kasalukuyang nakapiit si Carino sa Maddela Municipal Police Station.

Ayon sa Revised Penal Code, maaari pa ring litisin ang suspek kahit mahigit 2 dekada na ang lumipas. 


—Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.