Barangay kagawad, timbog sa pagtutulak ng marijuana sa Cagayan

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2021 11:12 PM

SOLANA, Cagayan— Sa kulungan ang bagsak ng isang barangay kagawad sa Solana, Cagayan matapos matimbog sa pagtutulak umano ng ilegal na droga nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay Police Capt. Samuel Lopez, hepe ng Solana Police, naaktuhan nila ang 33-anyos na barangay kagawad ng Maguirig nang kaniyang iabot ang isang sachet na naglalaman ng marijuana sa pulis na nangpanggap bilang poseur-buyer.

Nagkakahalaga ng P2,000 ang nakumpiskang marijuana sa suspek, pero ibinenta niya lang ito sa halagang P500. 

Narekober din sa suspek ang kaniyang cellphone at walang plaka na motorsiklo na ginamit niya sa transaksyon.

Halos isang buwan na minanmanan ang suspek.

Inihahanda na ang reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs act laban sa suspek. 

- ulat ni Harris Julio

FROM THE ARCHIVES
 

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.