PatrolPH

2 barangay chairman sa Samar patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2021 05:44 PM

TARANGNAN, Samar — Patay sa pamamaril ang 2 barangay chairman sa bayan na ito at isang habal-habal driver matapos silang paulanan ng bala Miyerkoles ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Brgy. Marabut chairman Bonifacio Babon, 63; Bgy. Awang chairman Amelita Helbolario; at habal-habal driver na si Elpidio Babon Jr. 

Nangyari ang pamamaril alas 8:40 ng umaga sa Brgy. Balugo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papunta sa poblacion ang mga biktima para dumalo sa isang pulong.

Pero, pagdating sa Barangay Balugo ay pinagbabaril ang mga ito nang hindi pa kilalang mga salarin na sakay ng motosiklo.

Dead on the spot ang dalawang Babon, samantalang idineklarang patay si Helbolario nang dalhin ito sa Samar Provincial Hospital.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang Tarangnan police para mahuli ang mga salarin.

—Ulat ni Ranulfo Docdocan 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.