Retiradong guro patay matapos mahagip ng cement mixer sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2020 10:53 PM

Patay ang isang retiradong guro matapos mabangga at magulungan ng cement mixer truck sa Kalayaan Avenue extension, Barangay East Rembo, Makati nitong Martes ng hapon. 

Sa ulat ni Police Maj. Gideon Ines ng Makati Police, tumatawid ang biktimang si Myriam Tagudan Diaz, 67, nang mahagip siya ng sasakyang minamaneho ni Hancil Gilo.

Sinugod na rin ang kasamang ginang ng biktima sa ospital matapos magtamo ng sugat. 

Mahaharap ang driver sa mga kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries.-Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.