PatrolPH

Motorcycle rider sugatan sa aksidente sa QC

Kevin Manalo, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2020 06:34 AM | Updated as of Mar 03 2020 07:01 AM

Sugatan ang isang motorcycle rider nang sumalpok sa isang Innova sa crossing ng Quezon Avenue at Examiner nitong Martes ng madaling araw.

Bagamat may sugat sa kaliwang binti ang rider, nakakausap naman siya ng rumespondeng volunteer medical team. May helmet din siyang suot.

Ayon mismo sa rider na si Gerry Ortego nanggaling siya sa birthday party at nakainom. May sinsusundan umano siyang isa pang motorsiklo at hindi napansin ang traffic light. Naramdaman na lang daw niya ang bumper ng Innova.

Kwento naman ng driver ng Innova na si Rolex Edañol naka-go ang traffic light kaya siya dumiretso patungong Scout Albano. Bigla umanong sumulpot ang motorista at tumama sa kanyang sasakyan.

Nagkausap naman ang dalawang rider at dadalhin sa East Avenue ang sugatang si Ortego.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.