6 Chinese 'kidnapper' tiklo sa Laguna

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2019 09:06 AM | Updated as of Mar 03 2019 07:40 PM

CALAMBA, Laguna -- Inaresto ang 6 na Chinese national na hinihinalang dumukot sa kapwa nila Chinese sa bayan na ito, Sabado ng gabi.

Kinidnap umano ng mga suspek ang biktima mula sa Makati nitong Pebrero 27 at dinala ito sa isang resort sa Calamba, ayon sa pulisya.

Watch more in iWant or TFC.tv

Natunton anila ang grupo matapos magsumbong ang isang concerned citizen na narinig niyang humihingi ng tulong ang biktima.

Kasapi ng loan shark gang ang mga suspek, ayon sa mga imbestigador. Modus umano ng grupo na pautangin ng pera at patungan ng interes ang mga Chinese na turista para maglaro ang mga ito sa casino sa Maynila.

Kapag hindi nakabayad ang mga turista, dinudukot umano ang mga ito at hinihingan ng ransom ang kanilang mga kaanak.

Marami na anilang nabiktima ang grupo, ngunit takot ang mga biktima na magsampa ng kaso.

- Ulat nina Bianca Dava at Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.