Natitirang kapatid ni Ferdinand Marcos, pumanaw na

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 01:36 PM | Updated as of Mar 03 2018 01:56 PM

Fortuna Marcos-Barba, ang pinakabatang kapatid ni Ferdinand Marcos. Grace Alba, ABS-CBN News

MANILA - Pumanaw na ang natitirang kapatid ng dating diktador na si Ferdinand Marcos.

Namatay nitong Sabado ng umaga si Fortuna “Baby” Marcos-Barba sa edad na 87 sa Metro Manila ayon sa pamangkin nitong si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Sa isang Facebook post, hiningi ni Imee na ipagdasal ang yumaong tiyahin.

 

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya Marcos ukol sa dahilan ng pagkamatay ni Fortuna.

Si Fortuna ang bunso sa 4 na magkakapatid na Marcos.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.