90 bahay natupok sa Antipolo; halaga ng pinsala, tinatayang aabot sa P300-k

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 11:29 PM | Updated as of Oct 26 2018 10:35 AM

Natupok ang 90 bahay sa Antipolo City, Sabado ng umaga. Kuha ni Marife Diamante

Nasunog ang 90 bahay sa Barangay Mayamot, Antipolo City nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection, umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nagsimula mag-a-alas-9 ng umaga.

Sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Ely Adajar.

Humigit-kumulang P300,000 ang tinatayang halaga ng pinsala dahil sa sunog.

Inaalam pa ang sanhi nito at ang bilang ng pamilyang apektado.

Walang naitalang nasaktan dahil sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.