60 bahay sa Valenzuela, nasunog

Isay Reyes at Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 04:22 AM | Updated as of Mar 03 2018 05:47 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinupok ng apoy ang 60 bahay sa Sitio Kabatuhan, Gen. T. De Leon, Valenzuela City Biyernes ng gabi.

Nasa halos 100 residente ang nawalan ng tirahan sa sunog.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tinatayang nasa P1 milyon ang naging pinsala ng insidente.

Sumiklab ang sunog alas-10:32 p.m. na umabot sa ikaapat na alarma. Naapula ito alas-12:22 Sabado ng madaling araw.

Kuwento ng ilang residente, galing umano ang sunog sa isang pagawaan ng unan.

Mabilis kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang mga bahay.

"Parang impiyerno, parang walang awa pong lumamon 'yung apoy sa amin," ani Josie Almocera, isa sa mga nasunugan.

Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi ng sunog.

- ulat ni Arra Perez at Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.