6 na hinihinalang NPA, timbog sa Negros Oriental

Annie Perez, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 04:34 PM

MABINAY, Negros Oriental - Anim na hinihinalang miyembro ng New People's Army ang inaresto sa Barangay Luyang, Sabado ng madaling araw.

Nakaengkuwentro ng mga pulis ang mga hinihinalang rebelde matapos manmanan ang isang bahay na umano'y pinagkukutaan ng mga suspek.

"We received information na ito sila ay balak na gumawa ng panibagong front and they are recruiting sa hinterlands," ani General Eli Losanes ng Philippine Army 303rd Brigade.

Walang nasaktan sa palitan ng putok ng baril.

Nakuha mula sa 6 na suspek ang ilang mga baril at pampasabog.

Haharap sila sa mga kasong kaugnay ng illegal possession of firearms and explosives.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.