2 patay sa pagsalpok ng kotse sa puno

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 10:06 AM

Nagkayupi-yupi at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng sasakyan ng dalawang biktima matapos bumangga sa isang puno, madaling araw ng Sabado, Marso 3, 2018 sa Talisay City, Cebu.

CEBU – Dalawa ang nasawi matapos bumangga ang kanilang sasakyan sa isang puno, Sabado ng umaga sa Talisay City.

Idineklarang patay sa ospital sina Isidrito at Jovan Boiser. 

Ayon sa Talisay City Traffic Investigation Department, galing Talisay City at patungong Cebu City ang puting sasakyan na minaneho ni Isidrito.

Sinubukan umanong mag-overtake ng driver sa isang wing van sa South Coastal Road, Barangay Cansojong nang mawalan ng preno ang kaniyang sasakyan. 

Doon na ito bumangga sa isang malaking puno.

Ayon naman sa ibang nakasaksi, nakipagkarera umano sa iba pang sasakyan ang mga biktima bago nangyari ang aksidente.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, halos nayupi na ang kanilang sasakyan at nagkahiwa-hiwalay ang mga parte nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.