1 patay sa pamamaril sa loob ng 999 Mall sa Divisoria

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2018 06:23 PM | Updated as of Jan 02 2020 03:00 PM

Watch more in iWantTFC

Kinumpirma ng Manila Police District (MPD) na isa ang patay sa nangyaring pamamaril sa loob ng Building 2 ng mataong 999 Mall sa Divisoria, Maynila bandang alas-2 ng hapon Sabado.

Ayon kay MPD spokesperson Erwin Margarejo, kinilala ang biktimang si Edilberto Pornobi, 60 anyos, at taga-Tondo.

Si Pornobi ay isa umanong may-ari ng ilang stall sa loob ng nasabing mall.

Tatlong tama ng bala sa ulo at katawan ang tinamo ng biktima. 

Ayon sa pulisya, 2 lalaking naka-face mask ang salarin. Tatlong basyo ng bala mula sa kalibre-.45 baril ang narekober sa crime scene.

Kasalukuyan pa ring nakasara ang Building 2 ng nasabing mall.

--Ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.