Bangkay ng batang nahulog sa Ilog Pasig, natagpuan na

ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2017 10:20 AM

Natagpuan na ang katawan ng 10-anyos na babae Biyernes ng umaga, isang araw matapos mahulog ang bata sa Ilog Pasig.

Ayon sa Coast Guard, nalunod ang batang kinilala bilang si Jeselle Vien Pilande sa Ilog Pasig sa bahagi ng Makati City.

Nangyari ang aksidente noong Huwebes habang naglalaro ng bahay-bahayan si Pilande at ang kanyang mga kaibigan sa dike na nakaharap sa ilog.

Hinihiling ng mga residente sa Department of Public Works and Highways at Pasig River Rehabilitation Council na tayuan ng bakod ang dike na nakapalibot sa pampang ng ilog. Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News.