Bangkay, itinapon sa bangin sa La Union

Carmela Jimenez, ABS-CBN News

Posted at Mar 03 2017 07:23 PM

Rosario, La Union – Natagpuan sa isang bangin sa Barangay Alipang sa bayang ito ang itinapong bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki, Biyernes ng umaga.

Natagpuan ang bangkay ng isang magsasakang kumukuha ng tubig sa may ilog 8:25 ng umaga.

Nakasuot ang bangkay ng itim na tshirt, maong na pantalon, itim na medyas at tinatayang nasa 5'7 feet ang taas at nasa 30 hanggang 40 ang edad.

“Buo pa siya. Sa tantiya namin, mga 10 PM itinapon yung bangkay. Ang ginawa namin, flash alarm sa neighboring stations and towns," ani PO3 May Torrefranca, imbestigador ng kaso.

Dinala na ang bangkay sa Funeraria La Forteza sa Rosario, La Union.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.