PatrolPH

Mga pasahero sa NAIA dumami dahil sa Alert Level 1

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2022 07:26 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA - Malaki ang dinami ng bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport sa unang araw ng Alert Level 1 sa Metro Manila, ayon sa mga awtoridad. 

Ayon sa Manila International Airport Authority, may 200 porsiyentong naitalang pagtaas sa domestic flights habang 152 porsiyento naman sa international flights. 

Gayunman, malayo pa umano ito sa pre-pandemic levels. 

Noong pre-pandemic, nasa 62,000 ang domestic flights kada araw, kung ikukumpara sa 40,525 na naitala noong Marso 1. 

Nasa 68,000 naman ang bilang ng mga international flight bago ang pandemic, na malayo sa 13,958 na naitala noong Marso 1. 

Ngayong Alert Level 1 na, tinanggal na ang physical distancing markings sa mga upuan sa NAIA. 

Dire-diretso na rin ang pasok at ang dadaanan na lang bago mag-checkin counter ay ang x-ray machine. 

Puwede na rin ang pagsalubong ng mga pasahero. 

-- Ulat ni Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.