'Tulak' patay matapos 'manlaban' sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 01:11 AM | Updated as of Mar 02 2021 06:59 AM

Watch more in iWantTFC

(UPDATE) Patay ang isang itinuturong tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban sa isang buy-bust operation sa Sta. Rosa, Nueva Ecija nitong Sabado.

Ayon sa Police Regional Office 3, nagsagawa ng buy-bust ang Sta. Rosa PNP laban kay "Marvin" sa Brgy. Soledad nang bigla na lang silang paputukan ng suspek, dahilan ng pagganti ng putok ng baril ng mga awtoridad.

Humantong ito sa shootout hanggang nasawi si Marvin.

Narekober ng mga awtoridad ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 na baril, isang .22 na baril, at isang granada.--Ulat nina Gracie Rutao at Anjo Bagaoisan 

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.