Truck nahulog sa bangin sa Davao City; 1 patay, 4 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 12:03 AM

Kuha ng Davao LGU

Patay ang isang pasahero habang sugatan naman ang apat pang sakay ng isang six-wheeler truck na nahulog sa isang bangin sa Brgy. Tugbok Proper sa Davao City Lunes ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si John Carlo Datuin, 26.

Base sa imbestigasyon, may sinubukan iwasan na motorsiklong kasalubong ang truck sa Davao-Bukidnon Road. Pero nang kumabig, dumiretso ito sa bangin, nahulog, at bumaliktad.

Hindi naman natamaan ang motorsiklo.

May mga kargang materyales kagaya ng bakal at mga atip ang trak.
Nakaligtas ang 4 pang sakay dahil nakatalon umano pero nadaganan ng isang steel roof si Datuin.

“Parang magdedeliver sila sa Calinan. Kasi loaded yung trak tsaka may mga helper na kasama,” ani Police Maj. Ricky Obenza, hepe ng Tugbok Police.

Kasama sa mga sugatan ang driver ng truck, na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.--Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.