Sunog sumalubong sa unang araw ng Fire Prevention Month sa Passi, Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 12:58 AM

Isang sunog ang sumalubong sa mga residente ng Passi City, Iloilo sa unang araw ng Fire Prevention Month ng Marso.

Sa video na kuha ni Jepaps Dotillos, makikita ang malaking apoy na lumalamon sa isang bahay sa Brgy. Poblacion Ilaya sa harap mismo ng merkado ng lungsod Lunes ng umaga.

Watch more in iWantTFC

Ayon kay Passi Mayor Stephen Palmares, unang nasunog ang boarding house na pagmamay-ari ng isang Jem Limjuco at nadamay ang isang bahay na pagmamay-ari ng isang Rosalinda Palmares.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad, faulty electrical connection ang isa sa mga anggulo na sinusundan nila sa naganap na sunog.

Higit sa P300,000 ang pangkalahatang cost of damage sa nasabing sunog.--Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.