Pinuno umano ng sindikato, patay matapos 'manlaban' sa Nueva Ecija

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 10:44 PM

Patay ang isang itinuturong pinuno ng isang sindikato ng droga matapos umano siyang manlaban sa mga awtoridad sa San Isidro, Nueva Ecija nitong Martes.

Ayon sa Police Regional Office 3, nagkasa ang pulisya ng buy-bust operation laban kay Alfie Tuazon sa Brgy. San Roque, pero nakatunog ang suspek na mga pulis ang katransaksiyon niya.

Kaagad umanong tumakbo at nagtago sa isang bahay si Tuazon at nakipagpalitan ng putok sa pulisya.

Narekober ng mga awtoridad ang isang baril, isang sachet ng hinihinalang shabu, at pera.

Ayon sa pulisya, nasa watchlist si Tuazon na pinuno umano ng isang drug group sa San Roque. Dalawang beses na siya umanong naaresto dati sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.