Nasa P500,000 halaga ng umano'y shabu nasabat sa Bataan; lalaki tiklo

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 10:15 PM

Nasa P500,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa isang anti-narcotics operation sa bayan ng Orion, Bataan nitong Martes.

Ayon sa Police Regional Office 3, nasamsam ito mula sa isang 31-anyos na lalaking suspek, na nilagay ang kontrabando sa sachet sa isang ice bag.

Nasa kustodiya na ang suspek.

Mahaharap siya sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.--Ulat ni Gracie Rutao

FROM THE ARCHIVES

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.