Nasa P1.7 milyong halaga ng 'shabu', nasabat sa Zamboanga; lalaki tiklo

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 05:58 AM | Updated as of Mar 02 2021 07:00 AM

Watch more in iWantTFC

MAYNILA - Isang lalaki ang timbog matapos mahulihan ng nasa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Brgy. Tumaga, Zamboanga City nitong Lunes.

Ayon sa Zamboanga PNP, nagkasa sila ng buy-bust operation sa 39-anyos na suspek na si "Mutla" na isa umano sa mga high value target ng pulisya. 

Nakumpiska ang apat na malalaking pakete na may hinihinalang shabu na may bigat na 250 gramo.

Residente ng Brgy. Mariki ang suspek pero nagbabagsak siya ng malakihang halaga ng shabu sa iba pang mga lugar sa Zamboanga, tulad sa Tumaga, ayon sa pulisya.

Mahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.