Lalaki patay matapos tagain, pagbabarilin sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 11:50 PM

Patay ang isang lalaki matapos tagain at pagbabarilin sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte Lunes ng gabi. 

Kinilala ang biktima na si Roderick Castillo, construction worker at residente ng Barangay Surong kung saan nangyari ang krimen.

Ayon sa hepe ng Pasuquin PNP na si Police Lt. Roi Manuel Ordonio, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo galing sa inuman nang pagbabarilin siya nang hindi pa nakikilalang salarin. 

"Katatapos lang niya makipag-inuman sa isang barangay official, noong uuwi na siya, doon na nangyari ang hindi inaasahang pangyayari," ani Ordonio. 

Nagtamo ng tama ng baril sa mukha, likod at paa ang biktima. May taga rin ito sa balikat. 

Ayon kay Ordonio, nakulong ang biktima noong 2005 dahil sa kaso ng panggagahasa, at ito ang anggulong pinag-aaralan ng pulisya na isa sa mga motibo sa krimen.--Ulat ni Grace Alba

MULA SA ARKIBOS

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.