6 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Mar 02 2021 07:32 PM

6 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan sa Davao City 1
gad na rumesponde ang awtoridad sa aksidenteng kinasangkutan ng tatlong behikulo sa Davao City, Marso 1, 2021. Larawan mula sa Davao Central 911

Anim na katao ang sugatan sa naganap na karambola ng tatlong sasakyan sa Davao-Bukidnon Road, Barangay Catalunan Pequeño sa Davao City, Lunes ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon, magkasunod sa iisang lane ang dalawang kotse na sangkot sa insidente nang biglang nabangga sa likod ang isa.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ito sa kabilang lane at bumangga sa kasalubong na pick-up.

Wala namang nasawi sa aksidente pero nagtamo ng minor injuries ang mga sakay ng nasangkot na behikulo sa aksidente.

Samantala, isang trak rin ang nahulog sa bangin sa lungsod na ikinamatay ng isang pasahero.

- Ulat ni Chrislen Bulosan

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC